Farmhouse ni Yeng Constantino Hinangaan ng mga Netizens Dahil sa Napakasimpleng Design
Larawan mula sa YT ni Yeng Constantino |
Talagang napakasimple ang dream tiny home ni Yeng Constantino at ang kanyang asawa na si Victor Asuncion, bukod sa simple at maliit lang ito nagmumukha itong malaki dahil sa design na isinagawa nila para magbigay illusion na malaki ito at para na rin at the same time relaxing ito dahil ginawa naman talaga nila ito para maging rest house nila sa kanilang province.
Para kasi magmukhang malaki ang tiny home na ito nakapalibot dito ang balkonahe ng bahay dahil mas-relaxing feel at kita ang view outside lalo na’t nakapaligid sa bahay ay ang gubat na puno ng punong kahoy at nalalanghap ang fresh air kaya naman dream came true ito para kay Yeng dahil fan siya ng tiny home at madalas siya maghanap ng larawan sa Pinterest para lang ma-achieve niya ang ganitong design na mag-ma-match sa kagustuhan niya.
Larawan mula sa YT ni Yeng Constantino |
Larawan mula sa YT ni Yeng Constantino |
Para masnakaka-relax pa ang kanyang dream tiny home mala-industrial ang interior at exterior nito na para bang hindi pa tapos lagyan ng mga tiles pero sadya talagang mala-semento lang ang design nito dahil usong-uso rin ang ganitong design dagdag minimalist din kasi ang ganitong design para masmag-higlights ang mga gamit o furnitures na ilalagay mo sa sala, kwarto at kusina.
Pangarap din ni Yeng yung coffee shop na vibes kaya ito rin ang isa sa mga dahilan kung bakit niya nilakihan ang kanilang balcony at naglagay ng outlet sa labas para kahit nasa province sila ma-fe-feel pa rin nila ang coffeeshop vibes dahil sa kanilang malawak na balcony at para na rin nakakapag-work gamit ang laptop sa balcony na soon maglalagay na rin sila ng coffee table at chairs dahil na rin request ito ng mga kaibigan nila.
Makikita rin na sa loob ng bahay ay may empty pa na sala dahil hindi pa naman ito tapos maglalagay pa lang sila ng mga furnitures dito pero one thing na gustong gusto ni Yeng ay ang malaking window nito para kahit sa loob habang nagpapahinga sa sofa ay kita pa rin ang luntian na mga dahon ng punong kahoy na talaga namang nakakawala ng stress. Gaya rin ng gusto ni Yeng wala ring tiles ang sala nito dahil industrial talaga ang peg niya isa pa sa gusto ni Yeng ay ang design ng bubong nila na nakakapasok ang natural light para tipid na rin sa kuryente.
Larawan mula sa YT ni Yeng Constantino |
Larawan mula sa YT ni Yeng Constantino |
Sa kusina naman nito ay mapapansing open lahat ang lagayan ng mga gamit wala siyang cabinet na may close at open dahil open lahat ang cabinet nito dahil gusto ni Yeng na ang mga gamit na gagamitin nila ay yung nagagamit lang talaga dahil iniiwasan ni Yeng na magkaroon ng gamit na hindi rin naman nagagamit dahil nakakalimutang nakatago na lang sa isang cabinet na may open and close feature kaya minabuti ni Yeng na exposed lahat ng gamit para makita na rin ang beauty ng mga gamit na bibilhin nila.
Pangarap din ni Yeng na magkaroon ng bathroom na parang nasa outside pero at the same time nasa indoor kaya dito sa tiny home niya tinupad yung mala-outside niya bathroom at dagdag pa niya ay wala raw kasi siyang bathtub sa bahay nila sa city kaya dito sa tiny home niya nagpalagay din siya ng tub at maglalagay din siya ng mga halaman dito para mas-feel niya na parang nasa ouside yung bathroom niya. Narito ang full vlog, panoorin natin.
No comments: