Online Seller, naglabas ng sama ng loob sa cutomer matapos mahulog sa putikan habang nagde-deliver
Larawan mula kay: Jobelle Laurel |
Inani ng ibat-ibang kumento ng netizens ang pinost niyana larawan ni Jobelle Laurel ng larawan at pahayag tungkol sa mga kanyang buyers na kung saan ay tumatawad pa sa murang halaga na ng kanilang binebenta.
|
Marami ang naka-relate na kapwa niya online seller dahil talaga namang ramdam na ramdam nila kung gaano talaga kahirap ang pinagdadaanan ng online seller na ito.
Sa panahong may-pandemic kasi ay talaga namang lalo nauso at pumatok ang ganitong negosyo dail marami pa rin talaga ang takot lumabas kaya’t bumibili na lang online at pinapa-deliver ito sa seller.
Ibinahagi ni Jobelle ang kanyang istorya matapos siya mahulog sa putikan habang nagde-deliver ng kanyang paninda.
|
Sabi ni Jobelle:
“DELIVERY FEE IS NORMAL MY FRIEND. LALO NA KUNG MALAYO. HINDI YAN DAGDAG SA TUBO NAMIN KUNDI AY PARA LANG HINDI MABAWASAN ANG KONTING TUBO,"
"ISIPIN NYO NAMAMASAHE KAYO NG 100 O NAGGAGAS KAYO NG 200 PARA PUMUNTA SA MALL AT KUMAIN SA PWESTO NG MAYAYAMANG NEGOSYANTE," 2
"KAPAG SI MCDO, KFC, SHOPPEE AT LAZADA MAY DELIVERY FEE OK LANG PERO KAPAG MALILIIT NA NEGOSYANTE MAHAL NA AGAD 🤦♀ ISIPIN NYO RIN KUNG KAYO ANG PIPICK-UP HINDI BA'T GAGASTOS DIN KAYO DBA?,"
|
Nasabi niya yan dahil kahit kumikita lamang sa kaunting tubo at naniningil ng kaunting delivery fee ay agad inaayawan o kinakansel pa ng iba kahit pa man gumagastos din naman sila ng pangde-deliver dagdag pa ang pagod at oras.
Sabi pa niya na kung minsan daw ay naabutan sila ng malakas na ulan o katirikan ng araw pagod at pawis kapalit ang kaunting kita para sa pamilya.
Kagaya na lamang ng ipinakita niyang larawan kung saan napuno siya ng putik at basang-basa dahil sa pagkalaglag niya sa putikan nong nagdeliver siya ng order sa kanyang buyer.
Dagdag pa niya:
“SANA LANG PO MAKITA NYO ANG HIRAP NG NAGDEDELIVER DAHIL KUNG TUTUUSIN SUMASABAK YAN SA TRAFFIC AT DI ALAM KUNG AABUTIN DIN NG DISGRASYA SA DAAN. SALAMAT PO SA PAG INTINDI.”
No comments: