Herlene Budol o Hipon Girl Hinangaan ng mga Netizens Dahil sa Ugali Niya Habang Ini-interview
Larawan mula sa PEP |
Hindi talaga lubos akalain na mga netizens at mga fans ni Herlene Nicole Budol o maskilala sa alyas na Hipon Girl nang mapagpasyahan ng kanyang team na isabak siya sa BB. Pilipinas 2022 at harapin ang kaharap na hamon nito.
Alam naman natin kasi na pagdating sa mga beauty pageant dito sa Pinas ay mataas ang standard at halos lahat ng nananalo at isinasabak sa ibang bansa para maging representative ng bansa ay halos lahat bihasa sa English na para sa karamihan ay dagdag points kapag bihasa sumagot gamit ang English at di na kinakailangang gumamit pa ng translator.
Bagamat hindi naman basehan ang bihasa mag-English sa mga international beauty pageant para sa ating mga pinoy given na yun na English dapat ang gagamitin natin sa pag sagot ng Q and A portion at hindi lang kasi tayong mga pinoy ang nag-e-expect na English ang gagamitin ng pambato natin pati na rin kasi ang mga katunggali galing sa iba’t ibang bansa ang alam nila English talaga ang ginagamit ng bawat pinay na inilalaban sa mga international pageant.
Larawan mula sa PEP |
Pero para sa team ni Nicole hindi basehan ang English para masukat ang talino ng bawat tao dahil marami ng nanalo sa mga international beauty pageant na gamit nilang salita ay ang native language nila at kailangan lamang ay magkaroon ng translator o interpreter at yan ang gagawing plano ni Nicole at kung papalarin mang manalo sa BB. Pilipinas 2022 at maisabak siya sa ibang bansa gagamit na lang siya ng interpreter.
Sa totoo lang kasi mas-advantage talaga ang pagkakaroon ng interpreter dahil naiintindihan naman ng mga candidates yung tanong at habang itina-translate ng interpreter ang tanong sa isang candidate ay nakakapag-isip na ito ng kanyang isasagot hindi kagaya ng pag-gamit ng English na pagkatapos marinig ang tanong ay kailangan mo na agad sagutin, kaya marami na ring nananalong hindi gumagamit ng English kasi tini-take advantage nila ang oras upang makapag-isip ng kanilang isasagot ta hindi rin mahahalata na minsan mali ang sagot gamit ang native language dahil si interpreter na ang bahala pagandahin ang meaning nito sa English.
Larawan mula sa PEP |
Bagamat binabalak ni Nicole na gumamit na lang ng wikang tagalog sa mga isasagot niya sa Q and A portion kung papalarin siya umabot sa finals ay hindi pa rin siya close minded na hindi pag-aralan ang wikang English dahil sa katunayan habang isinasagawa niya ang mga activities ng BB. Pilipinas since pasok na siya bilang isang kalahok ay inaaral pa rin niya ang wikang English, dahil para sa kanya masmainam na kahit papaano marunong ka umintindi ng mga katanungan dahil alam naman natin ng English ang itatanong sa kanya pagdataning ng araw kung papalarin man siya.
Ikinatuwa naman ng mga netizens ang interview sa kanya ng PEP dahil bagamat maraming humahanga sa kagandahan ni Nicole ngayon hindi pa rin nagbabago ang pagiging kwela niya at walang halong kaplastikan ang kanyang awrahan dahil mapapansin na habang ini-interview siya ay walang halong pagiging trying hard maging sosyal ang kanyang pananalita at kilos very Hipon Girl pa rin ang galawan niya at pananalita pero mas-pinahinhin lang ng kaunti para madala na rin niya ang taglay niyang ganda. Panoorin ang interview sa kanya.
No comments: