Pari Binatukan pa ang Sakristan Pagkatapos pa Itong Alalayan at Tulungan
Larawan mula kay Alei Martin |
Isa na sa nakaugalian ng mga pinoy ay ang pagsisimba dahil ito ang pamamaraan upang magpasalamat at magdasal sa diyos at nagsisimba rin ang mga pinoy para na rin makinig sa magagandang payo at sermon ng mga pari.
Kung gusto mo rin na masdinggin ang hiling o mapatawad ka ng maykapal sa mga kasalanang iyong nagawa ay masnakakapanatag ng loob kung sa simbahan ka pumupunta.
Ang misa ay ginagawa sa simbahan at pinamumunuan ito ng pari na siyang alagad ng simbahan o siyang nagsasakripisyo at nagdarasal para sa kapakanan at ikakabuti ng mga tao.
Larawan mula kay Alei Martin |
Larawan mula kay Alei Martin |
Ikinagulat at ipinagtaka ng mga netizens na nakapanood ng isang bidyo sa social media na kung saan tila kakaiba ang ikinilos ng isang pari na kung saan tila hindi ito naayon o naangkop sa katuruan ng simbahan.
Sa post ng netizen na si Alei Martin ay makikita sa bidyo na kung saan ang isang pari na hirap maglakad dulot ng may edad na ay inalalayan ito ng isang sakristan.
Ngunit dahil hirap maglakad na ang matandang pari at muntikan ng madapa dahil nagkamali ito sa paghakbang ay tila isinisi pa sa sakristan na tumulong at umalalay sa kanya.
Larawan mula kay Alei Martin |
Larawan mula kay Alei Martin |
Kitang-kita naman na napansin ng sakristan na hirap na maglakad ang pari at nakakailang hakbang pa lang ito ay agad itong inalalayan ng sakristan ngunit pambabatok pa ang natamo nito sa tinulungan niyang pari.
Mababasa naman sa comment section ng bidyo na hati ang panig ng mga netizens, dahil ayon sa ibang netizens ay di ata naaangkop sa katuruan ng simbahan ang ginawa ng pari at ayon naman din sa iba ay dulot ito ng katandaan ng pari na di na nakokontrol ang emosyon nito.
No comments: