Pamilyang Nagpakulong sa 84-anyos na Lolo Dahil sa Mangga Nagsalita na
Larawan mula sa News5 |
Talaga namang naging usap-usapan agad at viral sa social media ang 84-anyos na lolo na ipinakulong ng isang pamilya sa Asingan, Pangasinan dahil lamang sa 10 kilo na mangga.
Dahil na rin katandaan ni lolo na 84-anyos na, naantig agad ang napakaraming netizens na na nakakita at nakabasa sa balita, si lolo Nardo Floro ay ipinakulong dahil lamang sa pamimitas ng mangga.
Mahigit isang linggo na naka-detained si lolo Nardo at nakausap at nakapanayam pa ito ng News5 sa loob ng presinto.
Larawan mula sa News5 |
Larawan mula sa News5 |
Larawan mula sa News5 |
Sa salaysay ni lolo Nardo ay may lumapit daw sa kanya na namamakyaw ng mangga at dahil sa pagkakaalam ni Lolo Nardo ay itinanim ito ng kanyang tatay ngunit ngayo’y nasakop na ng bakod ng pamilyang nagpakulong sa kanya.
Ang nasa isip ni Lolo Nardo ay wala namang masama kung mamimitas siya ng manggang itinanim ng kanyang tatay kahit pa nasa loob na ito ng bakod na iba, dagdag pa ni lolo Nardo ay nagawa lamang niya ito dahil wala naman siyang hanap buhay at gusto lang makabili ng bigas.
Larawan mula sa News5 |
Larawan mula sa News5 |
Kaya naman nang may nag-offer sa kanyang ng isang libo para sa 10 kilo na mangga ay agad naman siyang pumayad dahil single at wala kasing asawa at anak si Lolo at nakatira lamang sa kanyang kapatid at mga pamangkin kaya naman sa ganung halaga ay nais lamang niyang makaambag sa bahay na kung saan siya nakikitira.
“Dahil lang sa mangga, napakaliit na bagay idinemanda na nila yung tao. Kinausap ko, ayaw naman makipag-ayos,” sabi ni lolo.
“Noong nagbakod sila, nasakop nila,” dagdag niya.
Nang makapanayam naman ng News5 ang pamilyang nagpakulong kay Lolo ay kanilang iginiit na sa kanila mismo ang mangga at kung humingi ng sorry si lolo ay di naman nila ito ipapakulong at handa naman din daw nila i atras ang kaso.
Larawan mula sa News5 |
Larawan mula sa News5 |
Ayon kay Rovelyn Sison, kuya raw niya ang mismong nagtanim ng punong manggang iyon.
“Kung sinasabi po ni tatay na sa kanya po yun, paano po magiging sa kanya eh may alad (bakod) na po siya bago pa merong mangga,” sabi ni Rovelyn.
Panoorin ang video ng News5 sa ibaba: Magsisimula ang balita sa oras na 53:40
No comments: