Joven ng Pilipinas Got Talent, Arestado sa Sta Cruz Laguna Dahil sa Pagbebenta ng Bawal na Gamot
Photo: Santa Cruz Cityhood |
Ilang oras lang ang nakakalipas matapos may mag-post na nahuli ng pulisya si Mark Joven Olvido na diumano'y nagbebenta ng bawal na gamot sa isang buy-bust operation.
Nasamsam sa kanyang pag-iingat ang tatlong sachet ng bawal na gamot at marked money mula sa pinagbentahan nito. Arestado si Mark Joven Olvido ngayong araw, May 14, 2021, alas dos ng hapon, sa Barangay Duhat, Sta. Cruz, Laguna.
Photo: Santa Cruz Cityhood |
Kilala rin si Mark bilang Vape Master, ang third runner-up sa defunct ABS-CBN reality franchise show na Pilipinas Got Talent Season 6.
Nadakip dawsi Olvido sa buy-bust operation ng Elements of DEU/PIU District na pinangungunahan ni P/Lt. Henry Sasaluyam at ng anim pang kasamahan nito sa ilalim ng direct supervision ni P/Lt.Col. Arvin Avelino, ang chief ng Police Intelligence Unit.
Photo: Abs Cbn YT Channel |
Ang mga tauhan ng Sta. Cruz Muncipal Police Station at mga miyembro ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ng Region 4 ang umaresto kay Olvido.
Base ito sa impormasyong natanggap ng Cabinet Files mula sa isang source na naroon sa lugar kung saan prinisinta ang mga umano'y ebidensiya laban kay Olvido.
Photo: Abs Cbn YT Channel |
Saksi ang mga elected official ng Sta. Cruz, Laguna at ilang miyembro ng media nang isagawa ang imbentaryo ng mga diumano'y nakumpiska mula kay Olvido.
Nasamsam sa pag-iingat ni Olvido ang tatlong piraso ng heat-sealed transparent sachet na naglalaman ng bawal na gamot at ang marked buy-bust money na nagkakahalaga ng dalawang libong piso (PHP2,000).
No comments: