Ivana Alawi, kinuwento ang ‘di magandang karanasan matapos makipag-date sa isang actor
Ilang oras pa lang ang nakakalipas matapos i-post sa channel ni Toni Gonzaga ang latest vlog niya kasama si Ivana Alawi.
Agad itong nag-boom sa Youtube matapos makita ng mga fans nina Ivana Alawi at Toni Gonzaga ang kanilang tambalan sa iisang vlog.
Umabot na nga sa halos isang milyon na ang views agad nito sa Youtube, dinagsa nga rin ng comments ang vlog ni Alex na ito.
May binulgar kasi si Ivana Alawi na karanasan niya matapos kumain sa isang restaurant kasama ang isang actor, na kung saan ay na-off siya matapos magpakita ng masamang ugali ito.
‘Di raw kasi maganda ang itinrato ng naka-date niyang actor sa isang waiter kung saang restaurant sila kumain, na siyang naging dahilan matapos siyang mag-walkout dito.
No comments: