Umani ng Iba't ibang Reaksyon sa Tiktok ang Isang Grade 7 Student na nagpa-picture sa kaniyang Guro Gamit angDi-keypad na Cellphone

Mark Anthony Tumbaga Tiktok

 Isang Grade 7 na estudyante na nagpa-picture sa kaniyang teacher gamit ang keypad nitong telepono agaw pansin sa mga netizens.

Karamihan sa mga tao ngayon ay talaga  naman na gumagamit na ng mga hightech devices tulad ng computer at cellphone.

Ito ay ginagamit para sa iba't ibang paraan, dahilan  at pangangailangan ng isang tao.

Ito din ay ginagamit na ngayon para sa iilang trabaho tulad ng iilang trabaho na ginagawa sa ating sariling tahanan.

Kahit mga bata pa man ngayon ay ginagamit nadin ito para sa komunikasyon sa kanilang mga magulang na nasa ibang bansa at ito rin ay nakakatulong sa kanilang edukasyon lalo na't nagkaroon ng Covid.

Ganon pa man dahil sa kahirapan marami parin ang hindi kayang makabili ng mamahaling device o cellphone dahil hindi sapat ang kanilang pera at pang gastos sa pang araw-araw. Kaya naman may iilan parin ang gumagamit ng mga cellphone na di-keypad at isa na dito ang ang grade 7 student.

Mark Anthony Tumbaga Tiktok

Pero sa isang pinost ni Mark Anthony Tumbaga sa kaniyang TikTok account nagbahagi ito ng kaniyang estudyante na gusto sa kaniyang mag pa picture gamit ang keypad na cellphone nito.

Marami naman ang naantig ang puso at humakot ito ng iba't ibang reaksiyon at kumento sa mga netizens.

Mark Anthony Tumbaga Tiktok

Sa video pansin dito na tinawag siya ng kaniyang estudyante habang siya ay naka upo sa kaniyang lamesa at humiling ito na mag pa picture gamit ang kaniyang keypad na cellphone. Masaya naman nitong pinagbigyan ang bata.

Sa kaniyang caption sa kaniyang pinost aniya dito, ''Grade 7 students gustong  magpapicture using di-keypad,

''ayus lang nak.''

''Sir pwede pa Picture'' ani ng bata 

Masaya niya itong pinayagan at nakipag pa picture sa bata.

Mark Anthony Tumbaga Tiktok

Pagkatapos nilang kumuha ng litrato masaya ang guro kahit na kalahati lang nang kaniyang muka ang kita sa larawan.

Mark Anthony Tumbaga Tiktok



No comments:

ads
Powered by Blogger.