Isang OFW na Ina, Naglabas ng Sama ng Loob sa Anak Nang Mag-demand ito ng Motor

Larawan mula sa the pader YT

Isa sa pinakamahirap na trabaho ay yung trabaho na mawalay sa isang pamilya at mangibang bansa, ang pagiging OFW na nga ata ang pinakamahirap at pinakamalungkot na trabaho dahil sa karamihan naman sa mga OFW ay nagtatrabaho bilang isang DH at karamihan dito ay nagtatrabaho sa middle east. 

Ang masaklap pa rito bilang isang OFW ay akala ng mga kapamilya mo ay namumuhay ka ng marangya sa ibang bansa at kung ano ano pa ang hinihingi sayo ng mga kapamilya mo na kadalasan naman dito ay para sa luho at hindi inuuna ang masimportante.

Kaya naman isang inang OFW ang naglabas ng sama ng loob sa kanyang anak na kung saan humihingi ito ng pambili ng motor at hindi alam kung gaano kahirap ang tinitiis sa ibang bansa para lang mabuhay ang kanyang pamilya. 

Sa isang bidyo na nag-viral mangiyakngiyak ang isang OFW na nanay na ipinaliwanag sa kanyang anak kung bakit hindi niya maibigay ang hiling na motor dahil luho ito at maging siya ay hindi nagrereklamo dahil mahigit isang oras ang kanyang bina-bike para lang makarating sa lugar na kung saan siya nag-wo-work.

Kanyang ipinaliwanag kung gaano siya nahihirapan dahil sa araw araw ay nag-ba-bike lamang siya at tinitiis niya yung takot para lang may maibigay siya sa kanyang pamilya ngunit sa kabila ng kanyang pagsusumikap ay inuuna pa ng kanyang anak ang hiling na motor na kung totoosin ay maskailangan niya ito dahil bike lang ang kanyang ginagamit. Narito ang viral na bidyo. 

No comments:

ads
Powered by Blogger.