Babaeng isinubsob sa kanyang cake, muntik na niyang ikapahamak
Larawan mula kay: Chef like.lk, |
Kamakailan ng mag-viral sa social media ang tila larawan na kung saan ay ipinost ng isang Facebook page na Chef like.lk, ang mga larawan na tila babala sa mga binibiling cake.
Sa post kasi ay makikita ang larawan ng isang cake na may maliliit na stick sa gitna at ang mga stick na ito ay kadalasan at nagsisilbing balanse sa mga disenyo ng cake o ‘di naman kaya ay minsan straw.
Larawan mula kay: Chef like.lk, |
Sa pinost na mga larawan ay isa doon ang ipinapakita sa pangalawang larawan na ang isa sa mga stick ay hindi sinasadyang tumusok sa bandang mata ng isang babae.
Ganun pa man ay hindi raw alam kung paano napunta doon ang stick, ang gusto ng post sa isang Facebook Page ay balaan ang lahat sa mga panganib na maaaring mangyari kung tayo man ay maging padalos dalos sa ating kilos lalo na’t nauuso ngayon ang katuwaang pagtulak ng mukha ng celebrant sa mismong cake.
Nauuso ang ganitong pangyayari sa tuwing may magkakaibigan na nagbi-birthday o ‘di kaya ay minsan sa sariling pamilya upang maging katuwaan na rin.
Larawan mula kay: Chef like.lk, |
Sabi sa caption:
“There are pastries that place chopsticks inside the cakes, so think twice before you push someone’s head into celebrations.”
Larawan mula kay: Chef like.lk, |
Makikita naman sa pangatlong picture ay ang babaeng may benda sa isang mata na kung saan nakita ay nakita ang stick at swerte nga raw nung baba na agad nabigyan ng lunas bago pa ito lumala.
Kaya payo ng mga nakabasa nito at ng ilang netizens ay siguraduhin munang mabuti kung ano ang materials na ginamit sa cake bago gawin itong subsob sa cake, upang maiwasan ang ganitong mga pangyayari.
No comments: