Kim Chiu Napuyat Kakanood ng Tiktok at Inaming Reliable ang Tiktok as Source of Information

Larawan mula sa IG ni Kim Chiu

Isa sa kinakaharap na problema ngayon ng bansa o kahit pa sa buong mundo ay ang laganap na pagkalat ng mga pekeng balita at isa sa malalang problema ay hindi lang sa pekeng balita kundi pati rin sa mga taong hindi marunong kumilatis kung pake o totoo ba yung mga nababasa na balita sa mga social media apps at mga websites. 

Marami ring kasing mga nababasa na akala mo totoong balita sa mga social media lalo na yung mga hindi masyado pa alam kung paano nag-wo-work ang isang social media at mga website at mga links na nababasa sa mga social media lalo na sa Facebook basta lang English at may mga larawan kadalasa hindi na ito pinapansin ng mga nabibiktima ng pekeng balita basta lang nakita sa kanilang news feed ay papaniwalaan na lang nila ito agad-agad. 

Nangyayari ito madalas sa mga taong bago pa lang sa social media o kakagawa lang ng account sa social media at ‘di pa nila wastong nalalaman kung papaano ang kalakalan sa social media kaya naman sila madalas nabibiktima ng mga pekeng balita at saka yung mga nanay, tatay, lolo o lola na bago pa lang nagkaroon ng social media account sila talaga ang madalas nag-sha-share ng mga pekeng balita lalo na kung pabor sa kanila ang isang balita base sa paniniwala nila. 

Lalo na ngayong mainit ang pagtatalo kung saan ba talaga makakuha ng reliable na sagot o balita dahil hindi naman lahat ng giant news site ay reliable din minsan ginagamit din ito ng mga nasa itaas para maging weapon para mapaniwala ang mga tao at masunod ang kanilang mga plano, alam naman natin na media ang isa sa pinakamalakas na sandata ng mga nasa itaas. 

Kaya naman dumadami na rin ang mga naniniwala na lang sa mga balita ng mga vlogger at mga nakikita na bidyo sa socmed na kung saan gawa na lang ng kung sino lang at nasa netizens na ang pagsusuri o pagkilatis kung reliable ito dahil mismo mga tao sa bansa ay hindi na rin madalas naniniwala sa mga giant news site o network dito sa Pinas masnaniniwala na sila ngayon sa mga amature video basta may fact ito kasi ‘pag marunong ka na kumilatis sa isang balita malalaman mo naman kung totoo ito o hindi. 

Screenshot mula sa IG ni Kim Chiu

Screenshot mula sa IG ni Kim Chiu

Isa na rin sa pinagtatalunan ngayon ng mga media at mga netizens ay ang ginagawa na kasing source of information ng mga netizens ang mga balita sa YT, FB at Tiktok na gawa na ng mga tao at vlogger dahil aminin na natin na may trust issue na ang mga netizens ngayon sa mga giant network sa bansa na kung saan naipapalabas din nila sa TV ang kanilang balita pero ngayon kasi halos hindi na nanonood ng TV ang karamihan dahil sa mga smartphone na sila nakatotok kaya naman masmadali sa kanila makakita ng news sa mga socmed app. 

Gaya na lang ni Kim Chiu na napahanga at inaming reliable at makukuhanan talaga ng information ang Tiktok basta marunong ka lang kumilatis hindi ka mabibiktima ng pekeng balita. 

Sa latest IG-story kasi ni Kim Chiu inamin niyang ang damin niyang natototonan sa kakanood ng Tiktok. Ngunit nabatikos naman siya ng ilang netizens dahil sa Tiktok raw ang source of information ni Kim Chiu dahil marami raw pekeng balita doon. 

No comments:

ads
Powered by Blogger.