Babae na Hindi Alam na Buntis Nanganak sa Eroplano na may Tatlong Oras na Byahe

(Photo credit to the owner)

Isang pasahero na nakasakay ng eroplano papuntang Honolulu, Hawaii ang nanganak sa loob ng eroplano habang nasa himpapawid, maswerte naman ang babae dahil successful ang kanyang panganganak dahil sa may doctor itong nakasabay sa byahe, ang nakakagulat pa nito ay hindi alam ng babae na siya nagdadalang tao. 

Lani Bamfield, Amanda Beeding, Mimi Ho and Lavinia Mounga (Photo credit to the owner)

Dr. Dale Glenn, Lani Bamfield, Amanda Beeding, Mimi Ho and Lavinia Mounga (Photo credit to the owner)


Maliban sa doctor may tatlong nurse din siyang nakasabay na tumulong din sa babaeng nanganak sa loob ng eroplano kaya naman napakaswerte ng babae dahil hindi niya alam na may biyayang paparating at may kasama pang tatlong nurse at isang doctor ang nakasabay nito papuntang Hawaii. 

Mula naman sa Salt Lake City, Utah ang babae at kinilala siya na si Lavinia Mounga, at kanila namang pinangalan si baby na si baby Raymond.

29 weeks pa lamang si baby Raymond sa sinapupunan ng kayang ina ito ay ayon sa news release ng Hawaii Pacific Health. 
Lani Bamfield, Amanda Beeding, Mimi Ho and Lavinia Mounga (Photo credit to the owner)

Dr. Dale Glenn and Lavinia Mounga (Photo credit to the owner)



Laking pasasalamat ni Lavinia sa nakasabay na doctor na kinilala na si Dr. Dalee Glenn at sa tatlo pang nurses na sina Amanda Beeding, Mimi Ho at si Lani Bamfield.  

Dahil hindi naman ospital ang eroplano ay kulang na kulang ito sa mga kagamital lalo na sa mga premature na sanggol kaya naman ginamitan ito ng matinding diskarte ng doctor at mga nurses, gumamit sila ng shoelaces para putulin ang umblical cord ni baby at gumamit din sila ng microwaved bottles para kahit papaano ay makapagbigay init ito kay baby Raymond. 

Lavinia Mounga and Baby Raymond (Photo credit to the owner)


Smartwatch din ang ginamit nila para ma-measure nila ang heart rate ni baby, sa kabutihang palad ay naging stable naman ang lagay ng mag-ina sa loob ng tatlong oras na byahe papuntang Hawaii.

 Ayon kay Dr. Glenn, “the emergency personnel took “great care” of the baby upon arriving in Hawaii.”

Para naman kay Lavinia, “overwhelming” and “so lucky” ang nangyari sa kaniya dahil mayroong mga medical people na kasama niya sa eroplano.

“The experience here has been so good. It just feels comforting and everyone’s willing to help and always checking on us,” saad ni Lavinia.

Para ma-sure na safe si baby Raymond ay mananatili si baby sa isang ospital sa Hawaii hanggang sa pwede na ito ilabas.

Nag set-up naman ng GoFundMe page ang mga kapatid ni Lavinia upang makatulong sa kanila.

“Our miracle baby nephew was born 29 weeks along with 3 hours left on our flight and was such a strong trooper. Our sister did not know she was pregnant so she was just as shocked as the rest of us when our nephew was born!” sabi ng mga kapatid ni Lavinia.




Dagdag pa nila okay naman kalagayan ni baby ngunit kailangan nito ang “intensive care” kaya kailangan pa ito mag-stay sa Hawaii hangang sa pwede na ito ibyahe pabalik sa kanilang state na Utah. 

Magandang balita rin na naka-ipon sila ng $13k mula sa kanilang inilusad na GoFundMe. 

No comments:

ads
Powered by Blogger.