17-anyos na binata na taga-Cavite ginulat ang netizens dahil sa kinikita niyang150k monthly dahil lang sa kangkong
Photo: Philippines Star |
Kamakailan ng mag-viral sa social media ang 17-anyos na taga Cavite at kumikita ng 150 thousand kada buwan dahil lang sa kanyang nagesyong kangkong chips.
Marami ang nagulat sa kuwento ng binatang ito dahil talaga nga namang sino ang ‘di magugulat kung ang isang tao ay kayang kumita ng 150k dahil lang sa kangkong.
Photo: Philippines Star |
Kuwento ni Josh Mojica na ang unang puhunan lang nila rito ay 3 thousand at nung dumami ang kanilang customer ay kumikita siya ng 5k daily o tumataginting na 150k a month.
Photo: Philippines Star |
Sabi niya na binebenta niya ang kanyang kangkong chips sa Facebook at pati na rin sa kung saan-saang online shops.
Photo: Philippines Star |
At noong nakaraang taon nga raw ay na featured na ang binata sa Twitter page ni Sen. Ping Lacson. ‘Di nga akalain ng binata na ilang buwan lang ang kanyang business ay agad pala itong magb-boom.
Photo: Philippines Star |
Marami ang humanga na netizens kaya naman umani ito ng papuri at ibat-ibang kumento ng netizens dahil nga sa nakaka-inspired nitong kuwento.
Photo: Philippines Star |
Dahil alam naman nating lahat na hindi lahat ng kaedad ni Josh Mojica ay kagaya nito ng mindset, kaya payo ng netizens ay tularan si Josh upang mas marami pa ang maingganyong kabataan.
No comments: