Talaga namang viral na viral ngayon ang nangyaring panghahakot ng grupo ng babae ng paninda ng isang community pantry na ginanap sa Pasig City. Nakuhanan kasi ang aktwal na panghahakot nila ng itlog at mistulang sadya ang pagkuha ng mga paninda dahil sa patakas ang galawan nila nang simutin lahat ng paninda.
Photo: Mariel Santos
Agaw eksena naman ang babae na tinaguriang itlog queen dahil sa isang buong tray ng itlog ang dinampot kaya naman viral na viral ito sa social media pati na rin sa isang sikat ng video platform app na Tiktok ay umani ito ng mahigit 1M views dahil sa hindi katanggap tanggap na aksyon na ginawa ng grupo ng kababaihan na ito.
Photo: @Cardongkidlat Tiktok
Photo: @Cardongkidlat Tiktok
Photo: @Cardongkidlat Tiktok
Pagkatapos naman mag-viral ng bidyo ay agad naman ito naibalita sa GMA news. Sa kuha ng isang netizen na nagngangalang Mariel Santos ay makikitang nagsalita na ang babaeng tinaguriang itlog queen nang interview -hin ito ng GMA news. Ayon sa nag-post katwiran daw ni itlog queen ay ipinamahagi maman daw niya ito sa kanilang kapit bahay.
No comments: