Claire Dela Fuenta, may mga pagpaparamdam at pahiwatig daw bago mamaalam, sabi ng anak na si Gio
Kamakailan ng maging-viral at usap-usapan sa social media ang tila may mga paramdam na raw ang OPM icon na si Claire Dela Fuente sa kanyang anak na si Gregorio Angelo de Guzman bago tuluyang mamaalam ito.
At kinumpirma ni Gigo na namatay sa cardiac arrest ang veteran singer at Jukebox Queen at tinamaan din ito ng COVID-19 kaya naka-confine sa hospital.
Sabi ng anak:
“She died from cardiac arrest, believed to be a result of her stress and anxiety. My mom has anxiety, hypertension and diabetes and her tendency to worry, to stress a lot, led her to weaken and in her sleep her heart gave up,”
Inamin nga rin daw ng anak ni Claire Dela Fuente na positive siya sa COVID-19 kahit wala siyang sintomas na nararamdaman at kaya’t wala raw siya sa tabi ng ina.
Sabi ng anak ni Claire:
At ngayong wala na ang ina, bigla niya raw naalala ang mga huling sandali na magkasama pa sila sa bahay bago nga ito tamaan ng COVID, “There were signs and moments na like, for example, she asked me to stay with her, beside her for the last night she spend here at the house before she has to go to the ER. She wanted company.
“I took it as a sign na they knew in a way, they were already telling me na, they always love me… ‘Anak, ikaw na bahala okay,”
Samantala, wala raw magaganap na physical wake para sa labi ng OPM legend ngunit plano nilang virtual lamay para sa lahat ng nagmamahal sa kanyang ina.
No comments: