Raffy Tulfo, bebenta ang mga damit at mga shoes upang i-donate sa charity
Ilang araw pa lang ang nakakalipas matapos i-post sa Youtube channel ni idol Raffy Tulfo ang kanyang vlog. Na kung saan magbebenta siya ng kanyang mga sapatos at damit, na siyang ginagamit niya araw-araw sa programa niyang “Wanted sa Radio”.
Agad ngang dinagsa ng views at comments ang vlog o video niyang ito, matapos ilagay sa tittle ang tila pagbebenta nga nitong mga sapatos at damit niya.
Makikita nga kay idol Raffy Tulfo na araw-araw ay iba-iba ang suot niyang sapatos at damit, kaya’t kaysa maipon at matambak lang ay naisipan nitong ibenta sa murang-murang halaga lang daw.
Mabibili raw ang sapatos at damit ni Idol Raffy Tulfo sa website na “ISN/IDOL SHOPPING NETWORK”.
Ngunit ang isa pa sa good news ni idol Raffy Tulfo sa lahat, ay ang mapagbebentahan nito ay idodonate niya sa kanyang charity.
Na siyang, talaga namang alam nating maraming-marami nanaman ang matutulungan, mura man daw niya itong ibebenta ngunit kayang-kayang natin.
Maliit man o malaking tulong, kapag napagsama-sama ay talaga namang malaki, lalo sa mga mahihirap na nangangailangan ngayong pandemic.
No comments: